Sabado, Agosto 31, 2013



   Kayo po ang nagturo sa amin Sir kung paano namin makakamit ang tagumpay. Inencourage nyo po kami para piliin naming maging matagumpay at hindi maging talunan. Natuto po ako sainyo na sa bawat pangaral nyo ay para din sa amin, na kapag dumating na yuing time na nahihirapan kami parati parin naming pipiliin ang maging matagumpay! :) Tinuro nyo po sa amin ang daan tungo sa tagumpay, Thankyou Sir dahil hindi nyo kami hinayaang maging talunan. :)


   
   Sir, kagaya po ng puzzle na'to ang buhay namin. May kulang, at kayo po ang bumuo non. Dahil sa mga itinuro at pangaral nyo samin, sa pag pupush nyo samin na gawin ang mga bagay, kinumpleto nyo po kami para maabot namin ang aming mga pangarap. Naniniwala po ako, ito na po simula Sir sa pag-abot namin sa aming mga pangarap. :)



Aking Pasasalamat..

   Unang-una sa lahat, maraming salamat Sir sa walang sawa nyong ginawang pagtuturo samin. Alam ko po na maraming beses kayong nagalit nang dahil sa amin. Pero ngayon po, aking lubos ng naunawaan ang lahat. Yung mga sermon nyo po sa amin, :) Alam ko po na para din yun sa amin. Natutunan ko pong maging responsible dahil sainyo. Dahil alam ko po Sir na darating yung time na mararanasan din namin yung hirap sa buhay, at kung hindi nyo po kami tinuruang maging responsible mahihirapan kaming maabot yung mga pangarap namin sa buhay. Salamat Sir dahil kahit ilang beses namin kayong ginalit, nandyan parin kayo para turuan kami, para paalalahanan kami. Salamat sa lahat Sir! Sa pag-alis nyo po ay dalhin nyo ang buong puso kong pasasalamat sa mga ginawa nyong mabuti at ibinigay nyong kaalaman sa amin. SALAMAT SIR. :)